Hybrid corn seeds at fertilizer, ipinamahagi ng OPAG sa mga magsasaka

Patuloy ang ayudang ibinibigay ng Office of Provincial Agriculture o OPAG sa mga magsasaka sa lalawigan ng pangasinan kabilang na rito ang hybrid corn seeds, fertilizer at tractora.

Ayon kay Dalisay Moya, Provincial Agriculturist, prayoridad para sa naturang programa ang mga magsasaka ng mais na nasa top 20 corn producing municipality sa Pangasinan.

Tinatayang nasa 880 bags ng hybrid corn at certified palay seeds ang ipinamahagi kasama na ang nasa 1,760 bags ng fertilizers ang ipinamahagi sa mga magsasaka na kinatawan ng anim na distrito ng pangasinan.

Abot naman sa limampung porsyento ang diskuwentro ng mga magsasaka na nabigyan ng mga binhi, pataba at makinarya.

Speak Your Mind

*