Mataas na kaso ng pagbubuntis sa hanay ng mga kabataan, tinututukan ng POPCOM

Patuloy na pinapalakas ng population commission o popcom region 1 ang kampanya upang malabanan ang mataas na kaso ng pagbubuntis sa hanay ng mga kabataan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Maria Christina Martinez, Information Officer and Technical Head ng POPCOM Region 1 na ito ay sa pamamagitan ng “U4U” activity.

Batay sa pag-aaral ng UP Population Institute, mas bukas ang mga kabataan na makipag-usap sa kanyang kapwa kabataan ng tungkol sa sexuality.

Tiniyak naman ni Martinez na maituturo ng tama sa mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral sa elementarya ng masisilang usapin gaya ng sexuality at fertility.

 

Speak Your Mind

*