Presyo ng mga lowland vegetables sa bagsakan market, bumagsak

Bumagsak na ang presyo ng mga lowland vegetables sa bagsakan market sa lungsod ng Urdaneta ilang linggo bago ang pagsapit ng haloday season.

Ito ayon kay Manuel Sison III, Officer-in-Charge ng Pangasinan Agri Pinoy and Trading Center sa lungsod ng Urdaneta ay dahil maraming suplay mula sa ibat ibang probinsya.

Panahon aniya ngayon ng anihan kayag dagsa ang suplay ng gulay partikular na ang kalabasa, okra at kamatis na bumagsak sa mahigit kalahati ang presyo.

Dahil dito, nangangam ba ang ilang tindera na sa dami ng suplay ay mahirap nang ibenta ang kanilang produkto na maaging maging dahilan ng kanilang pagkalugi.

Speak Your Mind

*