Checkpoint, regular na isinasagawa ng PNP upang mabantayan ang mga kawatan

Tiniyak ng Police Provincial Office (PPO) na regular na ang kanilang ginagawang check point sa lahat ng bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PC/Insp. Norman Florentino, Deputy Chief for Operation at Public Information  Officer ng PPO na ang hakbang na ito ay upang ipaabot sa mga kawatan ang kanilang mahigpit na pagbabantay.

Sinabi pa ni Florentino na sa pamamagitan ng checkpoint mapipigilang maipasok sa isang kumunidad ang mga posibleng ilegal na kontrabando, baril at patalim.

Mahigpit din umanong binabantayan ng PPO sa tulong ng mga augmentation at force multiplier ang matataong lugar partikular na sa mga simbahan, palengke, mall at mga terminal.

Pinaalalahanan din ni Florentino ang publiko na upang hindi mabiktima ng kawatan, kung aalis ng bahay wag nang magdala ng mamahaling alahas.

Speak Your Mind

*