90-M halaga ng imported Shabu, nasabat sa Clark Int’l. Airport

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang anim na kahon na naglalaman ng 18 kilos ng shabu sa Clark International Airport sa Pampanga.

Natuklasan ang nasabing kargamento na naglalaman ng droga dahil sa pakikipagtulungan ng shipping company sa Clark International Airport Corporation at BOC.

Nabatid na ang nasabing karmento ay nagmula sa Los Angeles California at nag-arkila ng private plane  ang nagpadala patungo sa shipping company sa bansa nitong Enero a-bente singko.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng BOC sa pangunguna ni Commissioner Isidro Lapena at ng PDEA sa mga taong nasa likod ng naturang iligal na kalakaran.

Speak Your Mind

*