Akusasyon ni Marcos na delaying tactics sa proseso ng Electoral Protest, inalmahan ng VP Camp

Inalmahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang akusasyon ni dating Senador Bongbong Marcos na taktika lamang umano ng pangalawang Pangulo na patagalin ang proseso ng Electoral Protest.

Ito’y kaugnay sa paisa-isang pagdadala ng mga ballot boxes mula Camarines Sur patungo sa Supreme Court para sa recount ng mga boto sa Vice Presidential Race noong 2016.

Ayon kay Atty. Bernandette Sardillo, legal counsel ni Robredo, ang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang nagdesisyon kung kailan ang pagdadala ng mga ballot boxes sa Supreme Court.

Sa ngayon ay nasa humigit-kumulang sa limandaan mula sa kabuuang 1,860 na ballot boxes ang nasa korte suprema na.

Nabatid na hanggang enero a-bente sais lamang ang naunang skedyul ng retrieval ng mga ballot boxes subalit dahil sa dami ay hindi pa nadadala ang lahat ng mga ito sa maynila.

 

 

Speak Your Mind

*