Bagong Batas para sa mga Blogger, hindi na kailangan

Hindi na kailangan pang magpatupad ng Batas sa Bansa para sa mga Blogger.

Ito ang sinabi ni Attorney. Rej Jularbal ng kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBB) sa Senate Hearing sa pagkalat ng fake news.

Giit ni Jularbal na may mga solusyon para matukoy ang mga nasa likod ng fake news at hindi na praktikal na kumuha pa ng lisensya ang Bloggers.

Ito aniya ay dahil maaari pang mag-blog ang mga ito sa labas ng Bansa at maaari pa rin itong ma-access sa Pilipinas kahit pa magpatupad ng Batas sa Bansa.

Una nang tinanong ni Senador Manny Pacquiao si Jularbal sa pagdinig kung posibleng kumuha ng lisensya ang mga Blogger.

Sinabi naman ni KBP Chairman Ruperto Nicdao, Jr., na may sapat pang Batas para matugunan ang fake news at ang kulang lang ay mahigpit na implementasyon nito.

Ipinaliwanag ni Nicdao na malilimitahan ang kalayaang makapagpahayag kapag pinakuha ng permit o lisensya ang mga Blogger.

Speak Your Mind

*