Bagong Director ng PNP-aviation, palalakasin ang seguridad sa mga paliparan

Tiniyak ni bagong talagang PNP-Aviation Security Group (AvSeGroup) Chief Director Supt. Dionardo Carlos na mas lalo pa nilang palalakasin ang seguridad sa lahat ng mga paliparan sa bansa.

Ito’y upang masiguro umano ang kaligtasan ng mga manlalakbay.

Sinabi pa ng bagong AvSeGroup Director na tututukan din niya ang problema sa terorismo, iligal na droga at korupsyon.

Ayon kay Carlos, malaking hamon sa kaniya ang pag-upo bilang direktor ng PNP-AvSeGroup.

Speak Your Mind

*