BIR-Region 1, nalampasan ang kanilang tax collection goal sa taong 2017

Masayang inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 1 na nakamit nila ang kanilang target collection goal sa taong 2017 na P14.4 bilyon

Sa ginanap na kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter forum, sinabi ni Carmelito “Lee” Caday, Head ng Taxpayer Assistance Unit ng BIR Region 1 nakamit ito sa pagtutulungan ng lahat ng kawani ang ahensya at mga tax payer.

Sinabi pa ni Caday na bagamat maliit, nalampasan nmana nila ang kanilang target goal ng nasa 2.41 percent na aabot sa P345 milyon.

 

Malaki din ani Caday ang na-kolektang buwis ng BIR Region 1 noong 2016 na aabot sa dalawamput tatlong percent na may kabuuhang P14.7 bilyon, itoy dahil umano sa magandang pagbabayan ng taumbayan sa kanilang buwis.

Speak Your Mind

*