Kasong Administratibo ni Associate Justice Teresita Leonardo de Castro, ibinasura ng SC

Nagkaisa ang mga mahistrado ng korte suprema na ibasura ang kasong administratibo na isinampa ng grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) laban kay Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.

Paliwanag ng mga mahistrado, ibinasura nila ang reklamo dahil sa kawalan umano ng merito sa kaso.

Matatandaan na si de Castro ay kinasuhan ng FATE dahil sa umano’y paglabag nito sa confidentiality ng deliberasyon sa loob ng court session sa kaniyang pagtestigo sa kamara kaugnay sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nag-ugat ang kaso matapos ibunyag ni Atty. Larry Gadon na si de Castro ang umano’y source ng mamamahayag na si Jomar Canlas sa kaniyang mga isinulat na istorya sa kaso ng Senior Citizen party list group noong 2013 na itinanggi naman ni de Castro ang nasabing alegasyon.

Speak Your Mind

*