LTFRB Region 1 – nanindigan na tuloy-tuloy ang paghuli sa mga colorum na sasakyan

Nanindigan ang Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na tuloy-tuloy ang kanilang paghuli sa mga colorum na sasakyan.

Sa panayam kay Atty. Veronica Peralta, Legal Officer IV ng LTFRB Region 1 sinabi nito na aabot sa P1 milyon at tatlong buwang impound ang multa sa mahuhuling colorum na bus.

Ganun din ang van may 3 months impound at P200,000 na multa; habang sa pampasaherong jeepney, nasa three months impound at may kaukulang multa na P50,000.

 

Kasabay nito, hinikayat naman ni Peralta ang mga drivers na sumailalim sa seminar kaugnay ng tamang pag-uugali sa pagmamaneho ng sasakyan at pagsunod sa batas trapiko.

Speak Your Mind

*