Nahuhuli sa ADDA, umaabot sa 20 motorista kada buwan – LTO-Dagupan

Dalawampu katao sa kada buwan ang naitatalang lumabag sa ipinatutupad na Anti-Distracted Driving Act (ADDA) ng Land Transportation Office (LTO) Dagupan.

Ito ang inihayag ni aileen peteros, LTO Officer I ng LTO-Dagupan kung saan tuloy-tuloy naman aniya kampanya ng ahensya laban sa mga pasaway na motorista.

Sa mga isinasagawang inspection ng LTO, kasama sa tinitingnan ang posibleng paglabag ng mga motorista sa pagmamaneho habang gumamit ng cellphone.

Nabatid na sa ipinatutupad na ADDA, kapag mahuli na lumabag ay maaaring patawan ng P5,000 multa sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag, P15,000 at suspensyo ng lisensya sa ikatlong paglabag, at P20,000 at pagkakawalang-bisa ng lisensya sa ika-apat na at higit pang paglabag.

Speak Your Mind

*