Pag-hire ng mga magkakamag-anak, ipinagbabawal na sa Gobiyerno ng Argentina

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ni Argentine President Mauricio Macri ang job cuts sa pamahalaan.

Ginawa ni Macri ang pahayag sa kaniyang pagdalo kasama ang ibang World Leaders sa World Economic forum sa Switzerland.

Sinabi ni Macri na ipinagbabawal na niya sa mga opisyal ng Argentine Government ang mag-hire ng mga kamag-anak at kapamilya dahil sa umano’y kakulangan ng budget ng pamahalaan sa loob ng ilang dekada.

Naniniwala si Macri na makakatipid ang kanilang Gobiyerno ng 77-milyong dollar kada taon dahil sa job cuts.

Sa ngayon ay isa-isa nang nagbibitiw sa puwesto ang mga kaanak ng mga Government Ministers ng Argentina.

Speak Your Mind

*