Pagbibigay ng prangkisa, malilimitahan sa planong PUV Modernization Program

Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na malilimitahan na ang pagbibigay ng prangkisa dahil sa planong Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Ito ang inihayag ni Atty. Veronica Peralta, Legal Officer IV ng LTFRB Region 1 kung saan maging ang ruta ng mga sasakyan ng bumabyahe sa isang lugar ay imomonitor narin ng mga LGU’S.

Tiniyak naman ni Peralta na hindi mahahaluaan ng putika ang pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan ang local transport plan.

 

Nabatid na kasama sa planong PUV Modernization Program ang panukalang pag-phase-out sa mga lumang pampasaherong jeep na bumabyahe pa sa lansangan na may edad 15 taon-pataas.

Speak Your Mind

*