Palasyo, hinamon si Trillanes na maghain ng Impeach Case vs Duterte

Hinamon ng malakanyang si Senador Antonio Trillanes na magsampa ng anumang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil impeachabale offense daw ang ginawa ng Office of the President na patawan ng suspensyon si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang makakahadlang kay Trillanes na magsampa ng impeachment case laban sa Pangulo.

Si Carandang ay sinuspinde ng Malacañang dahil sa kasong Grave Misconduct at Grave Dishonesty matapos ilabas nito ang umano’y bank transactions ni Duterte na nagbulgar sa tagong yaman ng first family.

Speak Your Mind

*