Panukalang kumikilala sa Church-Decreed Annulment, aprub na sa kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang kumikilala sa Church-Decreed Annulment.

Sa botong 203, inaprubahan ng kamara ang house bill no. 6779 o “An act recognizing the civil effects of Church Annulment Decrees.

Nakasaad sa panukalang batas na ang paghihiwalay ng mag-asawa na inaprubahan ng anumang simbahan o rehiliyon sa bansa ay magkakaroon ng kaparehong bisa sa Civil Annulment.

Ayon kay Leyte Rep. Yedda marie Romualdez, may akda ng panukalang batas, na kapag naging ganap na batas ito ay magiging mura ang paraan ng annulment process sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*