SSS, napatupad ng bawas singil sa UMID Card Replacement Fee

Nagpatupad ng bawas singil sa Unified Multi-Purpose ID o UMID Card Replacement Fee ang Social Secrurity System (SSS) para sa kanilang miyembro.

Ipinapatupad kasi ngayon ang pagpapalit ng lumang ID, nasira, nawala, nagpalit ng status, nagpalit ng pangalan, correction ng date at place of birth, pagpapalit ng tirahan, pag-update ng larawan at pirma.

Ayon kay Monalisa Nardo, Branch Manager ng SSS-Dagupan, maaari nang kumuha ang UMID ID Card sa halagang p200 na lamang, habang libre na ang umid id sa mga bagong aplekante, kailangan lang mag fill up sa application form.

Samantala, ipinatutupad narin ng sss ang Real-Time Processing sa contribution payment ng sss kung saan mas mapapabils na ang pagbibigay ng contribution dahil sa Electronic Collection System.

Speak Your Mind

*