Total Deployment ban ng OFWS sa Kuwait, pinag-aaralan ni Duterte

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng total deployment ban ng Overseas Filipino Workers (OFWS) sa bansang Kuwait.

Kasunod ito ng pagkamatay ng apat na OFWS sa kuwait at ang pagiging biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga employer.

Ayon sa pangulo, makikipagpulong siya sa mga kuwaiti authorities para talakayin ang nasabing mga problema.

Iginiit ng pangulo na kailangang maprotektahan ang mga OFWS sa Kuwait.

Kasabay nito, naglabas din ng sama ng loob ang pangulo sa mga sexual abuses na dinaranas ng ilang babaeng OFWS sa mga bansa sa Middle East.

Speak Your Mind

*