Umento sa sahod ng mga manggagawa sa Region 1, epektibo na sa Pebrero

Inaasahang epektibo na sa susunod na buwan ng Pebrero ang dagdag sahod o umento sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyong uno.

Ito’y matapos aprubahan umano ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards o RTWPB ang petisyon itaas ang daily rate ng mga manggagawa sa rehiyon sa besa ng RA 6727 o ang “Wage Rationalization Act.”

Ayon kay Engracio Bailon, District Officer ng DOLE-Central Pangasinan Field Office, Nobyembre 14 pa noong nakaraang taon napag-pasyahan na aprubahan ang wage increase.

Ibinatay umano ito sa kasalukuyang social economic condition at ang kondisyon ng mga stake holder sa rehiyon.

Tiyak namang makikinabang dito ang mga manggagawa na nasa sector ng non-agriculture at agriculture na inaasahang mag-uuwi ng sahod na P310 kada araw mula sa dating minimum rate na P280.

Speak Your Mind

*