VP Robredo, nagpadala ng karagdagang 10 portalets sa Guinobatan, Albay

Karagdagang sampung portalets ang ipinadala ng Office of the Vice President sa bayan ng Guinobatan, Albay para sa mga apektadong pamilya na nasa mga evacuation centers

Ito’y kasunod ng pagbisita ni Vice President Leni Robredo sa lalawigan noong nakaraang linggo.

Nagpasalamat naman si Mayor Ann Ongjoco sa Bise Presidente kung saan malaking tulong umano ito sa mga evacuation centers sa Guinobatan.

Matatandaan na isa ang kakulangan sa mga palikuran sa patuloy na ipinapanawagan ng mga evacuees sa lalawigan ng Albay.

Speak Your Mind

*