Dating Pangulong Aquino at dating budget Sec. Abad, inimbitahan sa Dengvaxia Probe

Inaasahang dadalo sa susunod sa pagdinig ng Joint Committees ng Good Government and Public Accountability at Health si Dating Pangulong Noynoy Aquino at dating budget Secretary Butch Abad.

Kaugnay ito sa imbestigasyon ng kamara sa 3.5 bilyong Dengue Vaccination Program ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay buhay Partylist Rep. Lito Atienza, sina Aquino at Abad ang makakasagot sa katanungan ng taumabayan kung “paano, kailan, saan at sino” ang nasa likod ng programa ng dengvaxia.

Pinuna din ng kongresista ang nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na walang nangyari sa pagdalo ng dating Pangulo dahil mistula umanong “one man show” ni Senador Richard Gordon ang nasabing pagdinig.

Matatandaan na inilusand ang programa ng dengue vaccine noong Abril 2016 kung saan higit sa walumpu’t tatlong libong mga estudyante mula sa Pampublikong Paaralan ang nabakunahan ng dengvaxia.

Speak Your Mind

*