Dating Vice Mayor, hinatulan ng 120 – 194 na taong pagkakulong

Hinatulan ng Sandiganbayan first division ng isandaan at dalawampu hanggang isandaan at siyamnapu’t apat na taong pagkakulong si dating Zamboanga Sibugay Vice Mayor Eugenio Famor.

Ito ay matapos mapatunayang guilty sa pitong kaso ng graft at pitong kaso ng Malversation Of Public Funds.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagbubulsa umano ni Famor ng pondo para sa aid for the poor program.

Bukod sa pagkakulong ay kailangan ding magbayad ng dating Bise Alkalde ng 593,500 pesos na multa at hindi na rin maaaring tumakbo sa anumang halalan.

Gayunman, dahil sa three-fold rule ng korte, makukulong na lamang si Famor ng hanggang apatnapung taon

Speak Your Mind

*