Free tuition fee, mararamdaman din ng mga estudyante ng TESDA

Kinumpirma ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) maraming mapapalad na studyante ang mabibigyan ng free tuition fee.

Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbibigay ng libreng tuition sa mga State Universities at Colleges (SUCS).

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, sinabi ni Modesto Velasquez, Supervising Specialist ng TESDA-Pangasinan, kabilang rito ang Technology Institution ng TESDA na ipatutupad ang libreng tuition fee sa darating na Hulyo 2018.

Sa ngayon, ang maibibigay lang aniya ng mga private school institution ng TESDA ay ang Training for Work Schoolarhip Program at Special Training for Imployment Program o STIP na mula sa pondo ng mga kongresista.

Speak Your Mind

*