Houston Rockets, pinataub ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 

Naihabol pa ng Houston Rockets ang kanilang 10th consecutive win nang pataubin nila ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 bago ang all-star weekend.

Si James Harden pa rin ang nanguna para sa Rockets at tumapos ng 28 points, nine rebounds at nine assists habang may 19 markers si Chris Paul.

Rank one pa rin sa Eastern Conference ang Toronto Raptors na ibinaon ang Chicago Bulls sa iskor na 122-98 pareho sa sinapit ng Los Angeles Lakers sa kamay ng New Orleans Pelicans na tinambakan sila sa iskor na 139-117.

Sa iba pang match, sinelyuhan ng L.A. Clippers ang panalo kontra Boston Celtics sa iskor na 129-119 habang binigo ng Utah Jazz ang Phoenix Suns sa iskor na 107-97.

Pinatid naman ng Portland Trailblazers ang nagdedepensang Golden State Warriors sa iskor na 123-117.

Speak Your Mind

*