Isandaang kaso ng leprosy, naitala sa Pangasinan noong 2017

Umabot na sa isandaang kaso ng sakit na leprosy o ketong ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan nitong nakaraan taong 2017.

Batay ito sa tala ng Provincial Health Office (PHO) kung saan wala naman umanong dapat na ikabahala dito ang publiko dahil ang naturang sakit ay nagagamot na.

Sinabi naman ni Harriet Eunice Cox, Leprosy Nurse Coordinator ng PHO na marami paring mga pangasinense ang nahihiyang lumabas at magpagamot.

Dahil dito, hinihikayat ni Cox ang sinumang maysakit ng leprosy na huwag itong ikahiya upang maagapan at magamot agad nang hindi na makahawa sa iba.

Ipinapayo naman ng PHO na huwag mag-atubiling magpatingin sa doctor sakaling makuha ang sakit na ketong dahil lahat aniya ng mga health center sa lalawigan ay may sapat na gamut para sa ketong.

Speak Your Mind

*