Kontrata ng SC IT Consultant, inaming hindi dumaan sa Bidding

Hindi dumaan sa Approval ng Bids and Awards Committee (BAC) ang kontrata ng Supreme Court Information Technology Consultant na si Helen Macasaet.

Ito ay matapos aminin ng Staff Head ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Atty. Maria Lourdes Oliveros na kaibigan niya si Macasaet.

Sinabi ni Oliveros na siya ang nagpakilala kay Macasaet kay Atty. Michael Ocampo na siyang Secretary ng Committee on Computerization sa ilalim ng tanggapan ni Sereno.

Ayon naman kay Ocampo, siya ang nagsumite ng pangalan ni Macasaet sa BAC.

Depensa naman ni Deputy Administrator at BAC Chairman Raul Villanueva, negotiated procurement ang kontrata ni Macasaet dahil ang serbisyo nito ay maituturing na highly technical.

 

Speak Your Mind

*