Landslide sa Surigao del Sur, apat katao ang patay

Patay ang apat na katao matapos ang pagguho ng lupa sa Carrascal, Surigao del Sur dahil sa bagyong Basyang.

Madaling araw nang matabunan ng lupa ang bahay ng pamilya Denguillo sa barangay Gamuton na ikinasawi ni Irene at mga anak nito.

Sugatan naman ang amang si James.

Nasawi rin nang matabunan ng lupa ang isang sampung taong gulang na bata sa evacuation center sa barangay Babuyan.

Tuloy naman ang isinasagawang rescue operations sa mga residente sa binahang barangay sa lugar.

Speak Your Mind

*