Libo-libong trabaho, inaasahan sa isasagawang Mini Jobs Fair ng DOLE

Libo-libong Pangasinense ang inaasahang mabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa at maging sa lokal sa isasagawang  Mini Job Fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan.

Ayon kay Panfilo Dioquino, Labor and Employment Officer II ng DOLE-Central Pangasinan, nasa 20 job placement agencies sa local at overseas  ang makiisa sa nasabing mini job fairs na gaganapin sa Endades Hall ng Dagupan City Museum sa darating ng February 14.

Sinabi pa ni Dioquino na mag-uumpisa ang nasabing aktibidad mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, at inaasahang nasa 20 porsyento ng mga aplekante ay agad na mabibigyan ng trabaho.

Lahat naman ng aplekante ay pinapayuhang magdala ng mga kinakailagang requirements o dokumento para sa trabahong kanilang papasukan kabilang na ang transcript of records, certificate of employment, birth certificate, certificate of trainings and seminars attended, at iba pa.

Speak Your Mind

*