Nabakunahan na hindi pa nagka-dengue, 2 taon protektado ng Dengvaxia

Tiniyak ni dating Health Secretary Janette garin sa mga magulang na protektado sa loob ng dalawang taon ang batang nabakunahan ng dengvaxia kahit hindi pa nagkakadengue.

Ito ang pahayag ni Garin kasunod ng umano’y “hysteria” ng mga magulang dahil takot at pangamba.

Sinabi ni Garin na ang type ng dengue na Grade one at two ay hindi nakamamatay, hindi nakakapanginig, at hindi nagdudulot ng matinding pagdurugo.

Ayon kay Garin, naiintindihan niya ang hinaing ng mga magulang na nagagamit na ng ibang grupo upang magkaroon ng Hysteria.

Speak Your Mind

*