Pagtaas ng presyo ng bigas, hindi kasalanan ng mga magsasaka – SINAG

Hindi masyadong malaki ang epekto sa presyo ng aning palay ng mga magsasaka ng ipinatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) LAW.

Ito ang inihayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So dahil ang mga magsasaka naman aniya ay nagtanim ng palay noong bago pa ipatupad ang TRAIN Law.

Dagdag pa ni So na ang palay ngayon ay mabibili na sa P23 mula sa dating P20 ang kada kilo, ibig sabihin ay umakyat na lang ito sa P3 kada kilo.

Paliwanag ni So na ang imported rice ang umakyat ang presyo sa world market na siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Giit pa ni So na ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado ay hindi kasalanan ng mga magsasaka.

Speak Your Mind

*