Pagtaas sa presyo ng bigas, pinabulaanan ng NFA

Itinanggi ng National Food Authority at ng ilang grain retailers ang kakapusan ng NFA rice pati na rin ang pagbabago sa presyo ng mga komersyal na bigas.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, hindi kakapusan ang nararanasan ng NFA kung ‘di low inventory lamang.

Tiniyak naman ng palasyo na kontrolado at sapat pa ang suplay nito habang nasa standby order na ang importasyon ng dalawandaang libong tonelada ng bigas para sa nfa.

Kaugnay nito, naghain na ng resolusyon sa senado sina Senador Nancy Binay at Cynthia Villar upang magsagawa ng pagdinig tungkol sa istabilisasyon ng suplay ng bigas sa Merkado.

Speak Your Mind

*