“World Wetlands Day”, ginugunita ng penro tuwing Buwan ng Pebrero

Ipinagdiriwang ngayon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang “World Wetlands Day” na ginugunita tuwing buwan ng pebrero.

Ang “World Wetlands Day ay bilang pagkilala sa kahalagahan ng Wetland sa tao at sa environment kung saan ito ang nagiging tahanan ng mga malilit na hayop at ibon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Joefel Soriano, Planing Officer ng PENRO na mayaman ang lalawigan ng Pangasinan sa Wetland gaya ng malawak na taniman ng Mangrove.

Maituturing naman na ang bayan ng Bani, Binmaley, Lingayen, Infanta at San Manuel ang lugar na may malawak na Wetland kung saan dito rin madalas na magtungo ang mga migratory bird.

Kasabay nito, hinihikayat ni soriano ang lahat nang gustong makaranas ng bird watching ay maaari lamang makipag-ugnayan sa alinmang tanggapan ng PENRO.

Speak Your Mind

*