Aktibidad sa selebrasyon ng San Manuel Town Fiesta 2018, kasado na

Kasado na ang taunang selebrasyon ng San Manuel Town Fiesta 2018 na magsisimula sa darating ng araw ng huwebes, Marso a-otso.

Ayon kay Roberto Sol, Executive Committee Chairman ng San Manuel Town Fiesta na ang selebrasyon ay may temang “Cooperation and Unity, tools to achieve towns victory centered on peace progress and development”.

Kabilang naman sa aktibidad ang thanks giving mass sa March 8 sa Memorial Day upang bigyang pagkilala ang mga taong nagbigay ng malaking kontribusyon sa bayan ng San Manuel

Magsasama-sama rin ang mga residente mula sa ibat-ibang sector sa Marso a-nuebe para sa makulay na Community Night kung saan lahat ng dadalo ang magsusuot ng bohemian inspired dress.

Sa March 10 – ang pinakaka-abangang highlight ng selebrasyon, ang Ginoo at Binibining San Manuel 2018, March 11 ang mala super serena na “Miss Gay” at sa March 12 ang SMB Night na pangungunahan ng “The Down” ang bandang nagpasikat ng kantang “Salamat”.

Speak Your Mind

*