Presyo ng gulay sa Pangasinan Agri Pinoy Trading Center, bahagyang bumaba

Naitala ang pagbaba ng presyo ng gulay sa Pangasinan Agri Pinoy Trading Center, sa lungsod ng Urdaneta.

Ito’y bunsod ng pagdagsa ng supply mula sa ibat-ibang lugar sa mga karatig lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Manuel Sison III, Officer-In-Charge ng PAPTC na posibleng maranasan ang maraming supply hanggang sa susunod na linggo.

Bumagsak ng halos sa mahigit kalahati ang presyo ng gulay gaya ng talong, amplaya, kalabasa, patola, okra, sili, sitaw, kamote at kamatis.

Dahil dito, umaangal na ang mga trader sa PAPTC nang hirap sa pagbibenta ng kanilang produkto na posibleng maging dahilan ng kanilang pagkalugi.

Speak Your Mind

*