Publiko, hinikayat na makiisa sa Earth Hour Philippines 2018 sa March 24

Hinihikayat ang publiko na magpartisipa sa Earth Hour Philippines 2018 sa Marso a-bente kwatro.

Magsisimula ang Earth Hour o aktuwal na pagpatay ng mga ilaw ng alas otso y medya ng gabi hanggang alas nueve y medya ng gabi sa CCP Grounds, Pasay City.

Isasagawa rin ang Earth Hour sa ilang bahagi ng bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sentro sa global campaign ang ginagawang aksyon ng mga indibidwal, komunidad at iba’t ibang bansa para labanan ang climate change at maitaas ang kamalayan ng publiko sa climate issues lalo na sa mga estudyante.

Simula ang symbolic lights out event sa Sydney, Australia noong 2007 na nilahukan ng mahigit isandaan pitumpung bansa sa buong mundo.

Speak Your Mind

*