Rabies, maaaring maiwasan

Ipinahayag ng Provincial Health Office (PHO) ng Nueva Ecija na maaaring maiwasan ang rabies na nagmumula sa kagat ng ating mga alagang hayop gaya ng aso, pusa at unggoy.

Payo ng PHO, kinakailangang mapabakunahan ang mga alagang hayop.

Samantala, sakaling nakagat ng aso o nakalmot ng pusa, itapat sa running water ang sugat at sabunin ng 10-15 minuto.  

Dalhin agad ang nakagat o nakalmot sa Animal Bite Treatment Center (ABTC), Regional Health Unit (RHU) o hospital.

Sa datos umano ng PHO, mahigit 10 ang namatay sa nueva ecija sanhi ng rabies noong isang taon.

Speak Your Mind

*