About dzrd981 Dagupan

South Africa President Jacob Zuma, nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw na bilang pangulo ng South Africa Si Jacob Zuma matapos ang walong taon niya sa pwesto.

Ito ay dahil sa kawalan ng suporta mula sa kanyang partido na African National Congress (ANC) matapos ang mga iskandalo ng korupsyon.

Nag-resign siya isang araw matapos magpahayag ang ANC na bumaba na siya sa pwesto.

Bagamat sariling partido na ang humiling sa kanya na umalis, hindi siya umano naging korap sa kanyang serbisyo bagkus ay isang displinadong lider.

Inaasahan naman na haharapin ng dating presidente ang mga alegasyon sa korte.

Houston Rockets, pinataub ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 

Naihabol pa ng Houston Rockets ang kanilang 10th consecutive win nang pataubin nila ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 bago ang all-star weekend.

Si James Harden pa rin ang nanguna para sa Rockets at tumapos ng 28 points, nine rebounds at nine assists habang may 19 markers si Chris Paul.

Rank one pa rin sa Eastern Conference ang Toronto Raptors na ibinaon ang Chicago Bulls sa iskor na 122-98 pareho sa sinapit ng Los Angeles Lakers sa kamay ng New Orleans Pelicans na tinambakan sila sa iskor na 139-117.

Sa iba pang match, sinelyuhan ng L.A. Clippers ang panalo kontra Boston Celtics sa iskor na 129-119 habang binigo ng Utah Jazz ang Phoenix Suns sa iskor na 107-97.

Pinatid naman ng Portland Trailblazers ang nagdedepensang Golden State Warriors sa iskor na 123-117.

Miami heat, nasilat ng Philadelphia 76ers sa iskor na 102-104

Tuloy-tuloy ang malas na inaabot ng Miami Heat matapos lumasap na naman nang panibagong pagkatalo sa philadelphia 76ers, sa iskor na 102-104.

Nasayang lamang ang 24 points na kalamangan ng Heat sa half time matapos na mahabol sa comeback win ng Sixers.

Maaalalang talo rin ang Heat sa Raptors para sa nakakadismayang pitong talo nila sa huling walong games.

Ang pagkatalo ng Miami (30-28) ay lalong masaklap sa koponan dahil hindi naglaro sa Sixers (30-25) ang all-star na si Joel Embiid.

Pero sa kabila nito nag-step up is Ben Simmons upang bitbitin ang team sa pagbangon sa pamamagitan ng triple double performance na may 18 points, 12 rebounds at 10 assists.

Pokwang, nagalit sa akusasyon ng netizens sa pagiging pabayang ina

Hindi ikinatuwa ni Pokwang ang akusasyon ng ibang netizens na pabaya at ‘bobong’ ina ito sa kanyang isang buwang anak na si Malia

Ito ay nasimula nang in-upload ni Pokwang sa instagram ang video ng kanyang sanggol na nakahiga sa sofa habang katabi nito ang dalagang anak na si Mae na tila kinukunan ng larawan o video ang kapatid gamit ang cellphone

Pinuna ng netizens na mahuhulog na raw ang sanggol dahil hindi binabantayang mabuti ng kanyang ate dahil busy sa kaka- cellphone

Buwelta naman ni Pokwang na gusto lamang ng nasabing netizens na makarami ng views kaya kahit ano-anong clickbait ang ginagawa sa social media

Nagbabanta pa si Pokwang na makapatay ito kapag ang mga anak na ang pinakialaman na ikina-react naman ng isang netizen

Gayunpaman, maraming netizen ang pumanig kay pokwang na anila isang form of expression lamang ang inilabas na pahayag ni Pokwang bilang isang ina kaya huwag daw itong gawing literal.

Halaga ng piso, muling humina sa 52.12 kada isang dolyar

Muling humina ang halaga ng piso nang pumalo ang palitan nito sa P52.12 kada isang dolyar.

Ito na ang pinamataas na antas na inabot ng piso sa loob ng 11 taon.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi ito nangangahulugan na humihina na ang ekonomiya ng Pilipinas.

Giit ng kalihim, nangyari rin sa ibang bansa ang paghina ng halaga ng mga salapi kontra dolyar.

Mababatid na ang piso na ang kasalukuyan may pinakamalalang performance kumpara sa pera ng mga katabi nitong bansa sa Asya.

Enrique Gill, nilinaw ang status nila ni Liza Soberano

Nilinaw ng kapamilya star na si Enrique Gil na hindi pa rin sila officially mag-on ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Sinabi man ng aktor na bagaman espesyal ang turing nila sa isa’t isa ay wala munang label ang kanilang relasyon bilang paggalang na rin sa pangako ni Liza sa kanyang lolo.

Paliwanag ng Star Magic talent, 23-34 years old pa pwedeng mag-boyfriend ang dalaga kaya willing naman daw siyang maghintay.

Samantala, simpleng dinner, flowers at pakikipag-usap lang umano with Liza ang gusto ni Enrique at paniguradong magiging makulay na ang kanyang Valentine’s Day.

POSO, dismayado sa maraming motorista na mahuhuling lumabag sa batas trapiko

Dismayado ang Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan dahil marami paring mga motorista ang lumabag sa umiiral na batas trapiko sa lungsod.

Batay sa tala ng POSO Dagupan, umaabot sa mahigit tatlong libo katao ang nahuhuli dahil sa paglabag sa batas trapiko sa kada buwan.

Dahil dito, sinabi ni SPO4 Carlito Ocampo, POSO Chief ng Dagupan na umabot sa p1.2 milyon ang nakolektang kita ng lungsod mula sa mga pasaway na motorista.

Ayon pa kay Ocampo, ang naitalang collection ng poso ay tanda na hindi nagpapabaya ang mga traffic enforcer sa kanilang trabaho.

Nangunguna naman sa mga nahuhuling motorista ang paglabag sa batas na hindi pagsusuot ng helmet, ilegal parking at ilegal loading at unloading.

13 cases ng leptospirosis, naitala sa Pangasinan ngayong buwan

Labintatlong kaso na ng leptospirosis ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) hindi pa man pumapasok ang panahon ng tag-ulan.

Ayon sa ulat ng PHO, nasa isandaan aninnapung prosyento ang pagtaas sa kaso ng leptospirosis ngayon taon kumpara sa nakalipas na taon habang isa narin ang namatay.

Ang mga sintomas ng leptopirosis ay halos kaparehas ng mga sintomas ng sakit ng dengue at trangkaso gaya ng lagnat, paninilaw ng mata, pagsakit ng kasu-kasuan at may kulay tsaang ihi.

Karaniwang tinatamaan ng sakit na leptospirosis ang mga magsasaka at construction worker dahil sa uri ng kanilang trabaho na palaging nakalubong sa tubig baha at putik.

Pagtaas sa singil ng kuryente sa buwan ng marso, inumpirma ng Cenpelco

Kinumpirma ng Central Pangasinan Electric Cooperative o Cenpelco ang pagtaas sa singil ng kuryente sa buwan ng Marso

Ito ay dahil sa umiiral na Tax Reformation for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng Cenpelco, nadagdagan ng value added tax ang regulated transmittion charge kayat tataas ng 5 sintabo ang kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.

Dahil dito, tiyak na ang nasa limang sintabo na madadagdag sa billing ng mga consumer sa susunod ng buwan.

Dagupan-LTO, target maubos ang kanilang backlog ID License Card sa Septyembre

Aminado ang Land Transportation Office o LTO na kulang ang isang araw para matugunan ang maraming motorista na kumukuhan ng kanilang ID License Card

Ito’y dahil sa mahigit 30,000 backlog license card ang kailangan nilang ibigay sa mga motorista.

Ayon kay Richard Agbayani, Dagupan LTO Chief, dinagdagan na ang bilang ng naire-release na lisenya mula sa dating dalawandaan, ngayon ay umaabot na sa tatlong daan limamput ang naire-release kada araw.

Umaasa naman si Agbayani na madadagdagan ang kanilang makina na ginagamit sa pag-imprenta ng lisensya upang maabot nila ang target na maubos ang backlog bago matapos ang buwan ng Septyembre.