South Africa President Jacob Zuma, nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw na bilang pangulo ng South Africa Si Jacob Zuma matapos ang walong taon niya sa pwesto.

Ito ay dahil sa kawalan ng suporta mula sa kanyang partido na African National Congress (ANC) matapos ang mga iskandalo ng korupsyon.

Nag-resign siya isang araw matapos magpahayag ang ANC na bumaba na siya sa pwesto.

Bagamat sariling partido na ang humiling sa kanya na umalis, hindi siya umano naging korap sa kanyang serbisyo bagkus ay isang displinadong lider.

Inaasahan naman na haharapin ng dating presidente ang mga alegasyon sa korte.

Mountain climber, patay matapos maaksidente sa bundok sa Amerika

Isang lalaking mountain climber ang nahulog at namatay habang ilan sa mga kasama nito ang nailigtas matapos sumama ang panahon sa pinakamataas na bundok sa Oregon, USA.

Ayon kay Sergeant Brian Jensen, Sheriff ng Clackamas County, mahigit anim na climbers ang umakyat sa mount hood kung saan isa sa kanila ang nahulog mula sa taas na aabot sa isanlibong talampakan.

Nagbago umano ang panahon kung saan nagkaroon ng snow sa trail na hindi matibay daanan, dahilan ng aksidente.

Na-rescue nang sumunod na araw ang iba pang climbers malapit sa hogsback area matapos humingi ng tulong gamit ang kanilang cellphones.

Libong sasakyan sa Japan, na-trap sa lansangan dahil sa pag–ulan ng yelo

Aabot sa mahigit isang libong sasakyan ang na–trap sa gitna ng trapiko sa Central Japan dahil sa matinding pag – ulan ng yelo.

Ayon sa Transport Ministry Official, kabilang sa mga lugar na apektado ng tinaguriang ‘heaviest snowfall’ sa Japan, ang Fukui Prefecture at bahagi ng kabisera na Tokyo.

Kaugnay nito, kanselado na din ang dalawangpung (20) flights sa Komatsu Airport sa Ishikawa Prefecture.

Inaasahang tatagal pa ang snowfall sa Northern at Western Japan hanggang ngayong araw.

Pag-hire ng mga magkakamag-anak, ipinagbabawal na sa Gobiyerno ng Argentina

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ni Argentine President Mauricio Macri ang job cuts sa pamahalaan.

Ginawa ni Macri ang pahayag sa kaniyang pagdalo kasama ang ibang World Leaders sa World Economic forum sa Switzerland.

Sinabi ni Macri na ipinagbabawal na niya sa mga opisyal ng Argentine Government ang mag-hire ng mga kamag-anak at kapamilya dahil sa umano’y kakulangan ng budget ng pamahalaan sa loob ng ilang dekada.

Naniniwala si Macri na makakatipid ang kanilang Gobiyerno ng 77-milyong dollar kada taon dahil sa job cuts.

Sa ngayon ay isa-isa nang nagbibitiw sa puwesto ang mga kaanak ng mga Government Ministers ng Argentina.

Nasawi dahil sa winter storm sa Southern United States, apat katao na

Umabot na sa apat ang nasawi dahil sa winter storm na nananalasa sa Southern United States.

Naglabas ng storm warnings ang National Weather Service (NWS) mula Northern Georgia hanggang Virginia at sa Massachusetts hanggang Maine.

Binalot ng makapal na yelo ang mga kalsada na siyang dahilan ng pagkasira ng ilang linya ng kuryente at pagsasara ng mga paaralan.

Ilang insidente naman ng car crash ang naitala dahil sa madulas na daan dulot ng snowstorm na siyang bumawi sa buhay ng ilang katao.

Maliban sa car crash ay ang mismong matinding lamig ang dahilan ng pagkamatay ng isang matandang may Dementia.

Isinara rin ang ilang paliparan tulad ng Hartsfield-Jackson International Airport kung saan mahigit apatnaraang flights ang kinansela.

Pinayuhan ng mga otoridad na manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan at umiwas muna sa pagmamaneho.

NoKor nagpakawala ulit ng missile

   Muling nagpakalawa ng ballistic missile ang North Korea (NoKor) malapit sa Pukchang County.

    Lumipad ito ng 500 kilometro at pinaniniwalaang bumagsak sa karagatan ng Japan.

    Ito ay eksaktong isang linggo mula nang umani ng batikos ang NoKor dahil sa pagpapakawala ng missiles sa City of Kusong na lumipad ng 700 kilometro at bumagsak sa pagitan ng Japan at Korean Peninsula.

    Ang pagpapakawala ng ballistic missile ay sa kabila nang mas mabibigat na parusang ipinataw ng UN Security Council sa NoKor.

1 patay, higit 20 sugatan sa Times Square matapos araruhin ng isang kotse

Isa patay samantalang mahigit dalawampu ang sugatan matapos na araruhin ng isang kotse sa Times Square sa Manhattan, New York.

Nakilala ang salarin na si Richard Rojas, 26-anyos, na dati umanong US Navy at residente ng Bronx sa New York.

Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na hindi terror-related ang insidente.

Napag-alamang dati nang may kaso ng driving while intoxicated ang suspek.

Trump, Putin nakatakdang magkita sa Hulyo

Nakatakda umanong magkita sa darating na buwan ng Hulyo ang dalawang pinakakontrobersiyal na world leaders.

Base sa Russian State Media, sinasabing magaganap ang pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa gaganaping G20 summit sa Hamburg, Germany.

Kung matatandaan, una nang nagkausap ang dalawang pangulo sa pamamagitan ng telepono.

Sa ngayon, wala pang anunsiyo ang White House sa posibilidad ng pagkikita ng dalawang world leaders.

Ex-FBI Director Comey tinawag na ‘papansin’ ni Trump

Iginiit ni US President Donald Trump na walang sabwatan sa kanyang pagkapanalo at sa gobyerno ng Russia.

Sinabi ito ni Trump matapos ang kanyang kontrobersiyal na desisyong sibakin sa puwesto si Federal Bureau of Investigation Director James Comey.

Tinawag din ni Trump si Comey na ‘showboat’ at ‘grandstander’ na dahilan umano para mawala ang tiwala niya at ng mismong FBI sa opisyal.

Una nang itinanggi ng White House na ang pagkakasibak kay Comey ay may kaugnayan sa ginagawa nitong imbestigasyon sa pakikialam ng Russia sa nagdaang US elections.

2,000 reindeers, kakatayin sa Norway dahil sa brainstorming disease

Ipinag-utos ng gobyerno ng Norway ang pagkatay sa nasa  2,000 reindeers para masawata ang brain-destroying disease na kumakalat sa bansa.

Unang nadiskubre ang naturang sakit sa Norway noong nakaraang taon na una nang lumaganap sa Europe.

Ang naturang sakit ay isang uri ng mad-cow disease na nasa North America na nagiging sanhi ng kamatayan ng reindeers.

Sa ngayon, wala namang ebidensiya na maaaring malipat sa tao ang naturang sakit.

print