Isang pamilya, patay matapos matabunan ng lupa sa Compostela Vallety

Patay ang isang pamilya matapos matabunan ng lupa ang tinitirhang bahay sa Maragusan, Compostela Valley.

Bunsod ito ng malakas na buhos ng ulan.

Kabilang sa mga nasawi ang isang lalaki, kanyang kinakasama at dalawa nilang anak na edad tatlo at isa.

Madalas umano ang landslide sa nasabing lugar at nakitaan ng malalaking bitak ang lupa.

Lilipat na sana sa bago nilang tahanan ang pamilya bago naganap ang landslide.

Sasagutin naman ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa libing ng mga nasawi.

Mga apektado ng Mt. Mayon, tutulungan ng pamahalaan

NAKAHANDA ang Malakanyang at iba pang ahensya ng gobyerno na tumulong sa mga apektadong residente sa pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa isang press briefing sa lalawigan ng Albay, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga ito.

Una rito, naglabas na ng P6-million ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at may kasunod pa umano itong P12-million karagdagang tulong.

Sinagot na rin ng Department of Health (DOH) ang toilet facilities ng mga evacuees.

Dagdag pa ni Roque na naka-standby din ang quick response fund ng bawat ahensiya sakaling mangailangan pa ng dagdag na pondo para sa mga evacuees.

Ilang mga evacuees sa Legaspi City, pinabalik na sa kanilang mga pamamahay

PINAUWI na sa kanilang mga bahay ang mga evacuees sa Legazpi na kusang lumikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon noong Lunes.

Ang direktiba ay inilabas ni legazpi City Mayor Noel Rosal matapos ihayag ng PHIVOLCS na nag-extend lamang ng isang kilometro ang danger zone sa aktibidad ng bulkan.

Ayon sa alkalde, pumalo sa mahigit 11,000 evacuees mula sa mga barangay ng Matanag, Padang, Bongaq, Mabinit at Buyuan matapos itaas sa Alert Level 3 Status ang aktibidad ng Bulkang Mayon.

Dahil dito, inaasahang bababa na ang bilang ng mahigit 40,000 mga evacuees sa iba’t-ibang evacuation center sa Albay.

Mt. Mayon, mayroon ng minor eruption—PHIVOLCS

MAIKUKUNSIDERA nang minor eruption ang mga aktibidad ngayon ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Supervising Science Research Specialist Eduardo Laguerta, hindi na ito maikukunsiderang phreatic steam-driven eruptions dahil sa pagbubuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide ng Mt. Mayon.

Ito anya ay dahil nagkakaroon na ng intrusion” at may nakikita ring partisipasyon ng “magma.”

Bukod sa pagbubuga ng abo ay nakapagtala rin ng rockfall events ang Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHILVOCS.

Tatagal pa ng ilang mga araw ang monitoring at survey ng PHILVOCS sa pag-aalboroto ng Mayon.

COA, nakahanda na sa imbestigasyon sa sasakyan ng provincial government ng Ilocos Norte

 Nakahanda na ang Commission on Audit (COA) sa susunod na imbestigasyon ng Committee on Good Governance ng Kamara.

        Ito ay kaugnay ng mga kontrobersiyal na sasakyan gaya ng multicab na binili ng provincial government sa Lalawigan ng Ilocos Norte.

        Sinabi ni Mrs. Marilyn Liaguno, supervising auditor ng COA na nakabase sa lalawigan, na nagsagawa sila ng audit para sa mga multicab.

        Ayon kay Liaguno, ang lahat ng ito ay naibigay sa iba’t ibang barangay at organisasyon sa lalawigan.

        Dagdag pa ni Liaguno na may apat lamang na multicab na may sira kaya inilagay sa motorpool ng gobyerno probinsiyal.

Mga tripulante ng fishing vessel hinuli dahil lumabag sa RA 10654

Labimpitong tripulante ng isang fishing vessel ang naaresto ng mga awtoridad na iligal na nangingisda sa karagatan ng Barangay Olotayan sa Roxas City.

    Ang nasabing mga tripulante ay hinuli dahil sa paglabag sa RA 10654 o Philippine Fisheries Code o pangingisda sa loob ng labinlimang kilometro mula sa baybayin ng Roxas City.

    Depensa ng mga tripulante, pinayagan silang mangisda ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) na kanilang tinulungang makadaong sa baybayin sakay ng kanilang pump boat.

    Samantala, wala pang komento ang PCG kaugnay ng alegasyon ng nasabing mga tripulante.

Opisyal ng BIFF patay sa operasyon sa Maguindanao

Patay ang isang opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Barangay Capiton, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao.

        Kinilala ang nasawi na si Murad Ali alyas “Kumander Abu Mohammad” na isang bomb expert at aktibong miyembro ng intelligence division ng BIFF sa ilalim ng Karialan Faction.

        Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Superintendent Agustin Tello, nanlaban si Ali sa raiding team kaya ito nasawi samantalang nahuli naman ang kanyang kasamahan.

        Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang Ingram machine pistol, granada, mortar at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

        Tiniyak naman ni Abu Amir, tagapagsalita ng BIFF Karialan Faction na hindi mapaparalisa ang kanilang grupo sa sinapit ni Ali.

Akusasyon sa ‘tanim-droga’ mariing itinanggi ng Mabalacat police

Mariing itinanggi ng Mabalacat police sa Pampanga ang akusasyon ng mga lumantad na biktima ng umano’y tanim-droga.

Pinasinungalingan ni Mabalacat Police Drug Enforcement Unit Head Insp. Melvin Manalang Florida, Jr. ang paratang ng isang “Michael” na tinakot niya umanong papatayin.

Sa salaysay ni “Michael,” bigla na lamang siyang hinuli samantalang bumibili ng gamot para sa maysakit na anak.

Dinala umano siya sa presinto at isinama sa lima pang kalalakihan at doon na umano inilabas ng mga pulis ang droga at marked money.

Pero nanindigan si Florida na drug pusher si “Michael” at nagpositibo rin aniya ito sa paggamit ng iligal na droga.

Hinamon pa ni Florida na magpa-lie detector test sila ni Michael para malaman kung sino ang nagsasabi sa kanila ng katotohanan.

9 na barangay sa Surigao del Norte idineklarang drug-free

Idineklarang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang siyam na barangay sa Bayan ng Tubod, Surigao del Norte.

Pinangunahan ni Ricardo Quinto, deputy director for PDEA operations ang deklarasyon ng Barangay Cawilan, Capayahan, San Pablo, Marga, Del Rosario, Motorpool, San Isidro, Timamana at Poblacion.

Batay umano sa isinagawang surveillance ng PDEA, walang kalakaran ng droga sa mga nasabing barangay.

Samantala, naitala ang limang probinsiya sa Caraga na may pinakamataas na bilang ng watch-listed drug personalities.

1 sa 2 ASG sa Bohol natagpuan na

Natagpuan na ng mga awtoridad ang isa sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nasa Bohol.

Ayon kay Bohol Provincial Director Senior Superintendent Felipe Natividad, nakita ng isang impormante ng pulisya ang isang miyembro ng ASG sa Calape, Bohol.

Tumakbo pa ito nang kumpirmahin kung ASG nga ito.

Patuloy naman ang hot pursuit operation sa isa pang Abu Sayyaf member na hanggang ngayo’y nasa Bohol pa.