Pokwang, nagalit sa akusasyon ng netizens sa pagiging pabayang ina

Hindi ikinatuwa ni Pokwang ang akusasyon ng ibang netizens na pabaya at ‘bobong’ ina ito sa kanyang isang buwang anak na si Malia

Ito ay nasimula nang in-upload ni Pokwang sa instagram ang video ng kanyang sanggol na nakahiga sa sofa habang katabi nito ang dalagang anak na si Mae na tila kinukunan ng larawan o video ang kapatid gamit ang cellphone

Pinuna ng netizens na mahuhulog na raw ang sanggol dahil hindi binabantayang mabuti ng kanyang ate dahil busy sa kaka- cellphone

Buwelta naman ni Pokwang na gusto lamang ng nasabing netizens na makarami ng views kaya kahit ano-anong clickbait ang ginagawa sa social media

Nagbabanta pa si Pokwang na makapatay ito kapag ang mga anak na ang pinakialaman na ikina-react naman ng isang netizen

Gayunpaman, maraming netizen ang pumanig kay pokwang na anila isang form of expression lamang ang inilabas na pahayag ni Pokwang bilang isang ina kaya huwag daw itong gawing literal.

Enrique Gill, nilinaw ang status nila ni Liza Soberano

Nilinaw ng kapamilya star na si Enrique Gil na hindi pa rin sila officially mag-on ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Sinabi man ng aktor na bagaman espesyal ang turing nila sa isa’t isa ay wala munang label ang kanilang relasyon bilang paggalang na rin sa pangako ni Liza sa kanyang lolo.

Paliwanag ng Star Magic talent, 23-34 years old pa pwedeng mag-boyfriend ang dalaga kaya willing naman daw siyang maghintay.

Samantala, simpleng dinner, flowers at pakikipag-usap lang umano with Liza ang gusto ni Enrique at paniguradong magiging makulay na ang kanyang Valentine’s Day.

Instagram story ni Angelica Panganiban, kinakiligan ng netizens

Mixed-emotions ang feeling ngayon ng fans sa dating on-screen partners na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.     

Magkahalong tuwa at kilig ang hatid ng post ng aktres na si Angelica kung saan ipinakita niya ang isang bouquet ng white flowers na bigay ng kanyang ex-boyfriend at aktor na si Carlo.

Nagpost naman sa kanyang instagram story si Aquino ng picture na hawak niya ang libro na may title na “Para kay Ex” kung saan tampok ang dati niyang girlfriend sa cover.

Very happy at kinilig din ang ilang netizen sa naging conversation ng dalawa kung saan nag-tweet si Carlo tungkol sa Valentine’s Day na nireplayan naman pagkatapos ni Angelica.

Aga Muhlach, nominado bilang best actor sa PMPC Star Awards

Masaya ang aktor na si Aga Muhlach na kabilang siya sa nominado for best actor sa PMPC Star Awards for Movies na gaganapin ang awarding rites sa February 18 sa Resorts World.

Excited nga si Aga dahil matapos ang ilang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula ay nominated agad siya sa pelikula nilang Seven Sundays Under Star Cinema.

Ilang taon ding nag-concentrate si Aga sa kanyang mga negosyo lalo na sa art trading at sa pagbabalik-pelikula ay nakatrabaho niya sina Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes.

Bukod kina aga, nominado rin para sa best actor sina Raymond Francisco (Bhoy Intsik), Joshua Garcia (I Love You to the Stars and Back), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Robin Padilla (Unexpectedly Yours),Piolo Pascual (Last Night), Derek Ramsay (All of You), Jericho Rosales (Siargao), at Vic Sotto (Meant to Be).

Korean Actor Jin Ju Hyung, gustong subukan ang ilang Pinay Actress

Gustong subukan ng Korean Actor na si Jin Ju Hyung sina Sarah Geronimo, Erich Gonzales at Anne Curtis ang galing ng mga ito sa pag-arte sa harap ng kamera.

Aware umano ang Korean Actor kung gaano kasikat ang mga ito sa Pilipinas, at kung gaano rin sila kaga­ling umakting.

Masaya naman si Jin Ju dahil magkakaroon na siya ng career dito sa Pilipinas matapos siyang pumirma ng limang taong management contract sa Viva Artists Agency at Viva Entertainment Inc.

Si Jin ay unti-unti na ring nakilala sa Korea katulad ng ibang sikat na Korean Actors.

Bukod kina Sarah, Erich at Anne na gustong niyang makatrabaho, nakatrabaho niya ang dating PBB housemate na si Devon Seron sa “you with me”.

 

Kris Aquino, excited sa ‘Tea Session’ nila ng US Author na si Caroline Kennedy

Aminado ang TV Host Actress na si Kris Aquino na excited siya sa nakatakdang pagkikita nila ng American Author na si Caroline Kennedy.

Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ng dating Presidential Sister katunayan nagpagawa na daw siya ng dalawang Filipiniana.

Tumanggi naman ang tinaguriang Queen of all media na sabihin kung kailan ang eksaktong dating sa bansa ng natitirang buhay na anak nina dating US President John F. Kennedy at first lady Jacqueline Bouvier Kennedy Knassis.

Ayon kay Kris, imbitado silang Aquino sisters sa isang Tea Session kasama si Kennedy.

Bukod sa pagiging Author, si Caroline ay isa ring lawyer at diplomat na nagsilbi bilang United States Ambassador to Japan mula 2013 hanggang 2017.

Aminado ang TV Host Actress na si Kris Aquino na excited siya sa nakatakdang pagkikita nila ng American Author na si Caroline Kennedy.

Sa ngayon ay puspusan na ang paghahanda ng dating Presidential Sister katunayan nagpagawa na daw siya ng dalawang Filipiniana.

Tumanggi naman ang tinaguriang Queen of all media na sabihin kung kailan ang eksaktong dating sa bansa ng natitirang buhay na anak nina dating US President John F. Kennedy at first lady Jacqueline Bouvier Kennedy Knassis.

Ayon kay Kris, imbitado silang Aquino sisters sa isang Tea Session kasama si kennedy.

Bukod sa pagiging Author, si Caroline ay isa ring lawyer at diplomat na nagsilbi bilang United States Ambassador to Japan mula 2013 hanggang 2017.

 

Komedyanteng si pokwang nagsilang na ng Baby Girl

Nagsilang na ng isang malusog na baby girl ang komedyanteng si Pokwang.

Agad namang ipinost ni Lee O’Brian sa kaniyang instagram account ang larawan ng kanilang anak ni Pokwang o Marietta Sumbong sa tunay na buhay.

Ayon kay O’Brian, isinilang ni Pokwang si Baby Malia kaninang alas otso bente otso ng umaga.

Sa ngayon ay nagpapalakas daw ang komedyante matapos ang panganganak.

Nagkakilala sina Pokwang at Lee noong 2014 at inansiyo ang pagdadalang tao nito noong June 16, 2017.

Gandarrapido ni Vice Ganda, topgrosser sa 2017 MMFF

Inilabas na ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang apat na top grosser na official entries ng 43rd MMFF ay ang Gandarrapido: the Revenger Squad, sumunod ang Ang Panday, pangatlo ang Siargao at pang-apat ang Haunted Forest.

Hindi naman inihayag ni MMFF Spokesman Noel Ferrer, kung alin sa natitirang apat pang entries ang pumanglima, pang-anim, pampito at pangwalo.

Samantala, base din sa report, itinanghal na topgrosser ang Gandarrapido na pinagbidahan ni Vice Ganda kung saan marami umano ang umulit na nanood ng gandarrapido dahil hindi agad nakuha ang kuwento.

Kasama sa naturang pelikula sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Film director na si Gil Portes, pumanaw na sa edad 71

Pumanaw na ang Award-Winning Director na si Gil Portes sa edad 71.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang asawa na si Telly at mga anak na sina Carlo at Justin.

Itinuturing na original indie director si Portes kung saan nakagawa ito ng mga award-winning na mga pelikula gaya ng “Saranggola”, “Gatas sa Dibdib ng Kaaway” at mga Munting Tinig.

Nakatrabaho niya ang ilang mga malalaking pangalan sa showbiz gaya nina DOLPHY sa pelikulang “Markova: Comfort Gay” at Nora Aunor sa pelikulang “Merika”.

James Bond 007’ actor Roger Moore pumanaw na

 Pumanaw na ang beteranong actor na si Roger Moore sa edad na 89.

    Ito ang kinumpirma ng kanyang mga anak na sina Deborah, Geoffrey Robert at Christian samantalang ito ay nasa Switzerland dahil sa pakikipaglaban na rin sa cancer.

    Isasagawa ang private funeral sa Monaco, ayon na rin sa pasya ng kanyang pamilya.

    Ipinanganak si Moore noong Oktubre 14, 1927 sa Stockwell, London.

    Nagkaroon ito ng apat na asawa.

    Si Moore ang pangatlong actor na gumanap sa pelikulang “James Bond” mula 1973 hanggang 1985, na naging patok ang pitong Bond movies gaya ng “Live and Let Die” at “The Spy Who Loved Me.”

    Mula noon ay madalang na siyang gumawa ng pelikula at nag-concentrate na lamang sa paggawa ng advertisements at sa pagkakaroon ng humanitarian work.

Taong 2015 ay pinangalanan siyang “Fifty Best Dressed British Men” ng GQ Magazine.