Houston Rockets, pinataub ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 

Naihabol pa ng Houston Rockets ang kanilang 10th consecutive win nang pataubin nila ang Sacramento Kings sa iskor na 100-91 bago ang all-star weekend.

Si James Harden pa rin ang nanguna para sa Rockets at tumapos ng 28 points, nine rebounds at nine assists habang may 19 markers si Chris Paul.

Rank one pa rin sa Eastern Conference ang Toronto Raptors na ibinaon ang Chicago Bulls sa iskor na 122-98 pareho sa sinapit ng Los Angeles Lakers sa kamay ng New Orleans Pelicans na tinambakan sila sa iskor na 139-117.

Sa iba pang match, sinelyuhan ng L.A. Clippers ang panalo kontra Boston Celtics sa iskor na 129-119 habang binigo ng Utah Jazz ang Phoenix Suns sa iskor na 107-97.

Pinatid naman ng Portland Trailblazers ang nagdedepensang Golden State Warriors sa iskor na 123-117.

Miami heat, nasilat ng Philadelphia 76ers sa iskor na 102-104

Tuloy-tuloy ang malas na inaabot ng Miami Heat matapos lumasap na naman nang panibagong pagkatalo sa philadelphia 76ers, sa iskor na 102-104.

Nasayang lamang ang 24 points na kalamangan ng Heat sa half time matapos na mahabol sa comeback win ng Sixers.

Maaalalang talo rin ang Heat sa Raptors para sa nakakadismayang pitong talo nila sa huling walong games.

Ang pagkatalo ng Miami (30-28) ay lalong masaklap sa koponan dahil hindi naglaro sa Sixers (30-25) ang all-star na si Joel Embiid.

Pero sa kabila nito nag-step up is Ben Simmons upang bitbitin ang team sa pagbangon sa pamamagitan ng triple double performance na may 18 points, 12 rebounds at 10 assists.

Houston rockets, pinulbos ang Minnesota Timberwolves.

Muling kinapitan ng Houston Rockets si James Harden nang pulbusin nila ang dinayong Minnesota Timberwolves sa iskor na 126-108.

Tumapos si Harden ng casual 34 points, 12 assists at six rebounds habang naka-21 points off the bench si Ryan Anderson.

Binigo naman ng new-look Cleveland Cavaliers ang Oklahoma City Thunders sa iskor na 120-112, second straight win mula nang masama sa roster nila sina George Hill, Rodney Hood, Jordan Clarkson at Larry Nance Jr.

Sa iba pang laro, giniba naman ng Sacramento Kings ang Dallas Mavericks sa iskor na 114-119 habang pinataob ng Denver Nuggets ang San Antonio Spurs sa iskor na 117-109.

Dinagit naman ng Toronto Raptors ang Miami Heat sa manipis na 115-113 habang sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Atlanta Hawks sa iskor na 97-92.

Celtics, muling naghari matapos pataubin ang Denver Nuggets sa iskor na 111-110

Muling naghari ang Boston Celtics matapos talunin sa dikit na laban ang Denver Nuggets sa iskor na 111-110.

Bumida sa ikalawang panalo ng Celtics sa kanilang pitong laro si Kyrie Irving na nagtala ng 27 points.

Kumamada rin ng 20 points si Jayson Tatum, dagdag pa ang 14 points ni Marcus Morris.

Nabalewala naman ang double-double ni Nikola Jokic sa kaniyang 24 points at 11 boards para sa Denver Nuggets.

Sunod na makakaharap ng Celtics ang New York Knicks sa huwebes, habang makakalaban naman ngayon ng Nuggets ang San Antonio Spurs.

 

Pacquiao Vs Lomachenko Fight, posibleng hindi na matuloy

Posibleng mapurnada ang nais ni Pinoy Superstar Manny Paquiao na makasagupa sa boxing ring si Ukrainian Champion Vasyl Lomachenko.

Ito ay matapos kontrahin ng manager ni Lomachenko na si Egis Klimas na kalokohan daw ang ideyang ito ni Pacquiao.

Iginiit ni Klimas na mas mataas daw ang weight class ni Pacquiao kumpara sa kaniyang alaga.

Katwiran pa ni Klimas, wala umano silang makukuha sakaling labanan ni Lomachenko si Pacquiao dahil matanda na raw ito.

Una nang inihayag ni Paquiao na target niyang bumalik sa ibabaw ng boxing ring sa Abril kung saan naka-break ang senado.

Celtics nasungkit ang Game 3 vs Cavs sa ECF champion

Pinalasap ng Boston Celtics ang unang talo ng defending NBAChampion Cleveland Cavaliers sa game 3 ng Eastern Conference Finals sa score na 111-108.

Nanguna sa panalo ng Celtics si Avery Bradley sa kanyang 20 points at pinakawalang game-winning three-point shot.

Hindi rin nagpahuli si Marcus Smart sa playoff high 27 points nito.

Hindi naman sumapat ang 28 points ni Kyrie Irving at 29 points ni Kevin Love para sa Cavaliers.

Hawak pa rin ng Cavs ang 2-1 lead sa Best-of-Seven series kontra-Celtics.

Magaganap ang Game 4 sa Miyerkules sa home court pa rin ng Cavs.

Ginkings naghari kontra-Beermen 107-99

Tinalo ng Ginebra Ginkings ang San Miguel Beermen sa iskor na 107-99.

    Bumida sa panalo si Justin Brownlee na nagpakawala ng 34 na puntos, 12 rebounds at tatlong assists.

    Nagpakawala naman ng 20 puntos, anim na rebounds at walong assists si LA Tenorio.

    Mula unang quarter ay hindi binigyan ng Ginkings ang Beermen na makalamang.

    Dahil sa panalo ay pareho nang may anim na panalo at dalawang talo ang Ginebra at San Miguel.

Celtics nasungkit ang Game 3 vs Cavs sa ECF champion

Pinalasap ng Boston Celtics ang unang talo ng defending NBAChampion Cleveland Cavaliers sa game 3 ng Eastern Conference Finals sa score na 111-108.

Nanguna sa panalo ng Celtics si Avery Bradley sa kanyang 20 points at pinakawalang game-winning three-point shot.

Hindi rin nagpahuli si Marcus Smart sa playoff high 27 points nito.

Hindi naman sumapat ang 28 points ni Kyrie Irving at 29 points ni Kevin Love para sa Cavaliers.

Hawak pa rin ng Cavs ang 2-1 lead sa Best-of-Seven series kontra-Celtics.

Magaganap ang Game 4 sa Miyerkules sa home court pa rin ng Cavs.

Gilas kampeon sa 2017 SEABA Championship

Nagkampeon ang Gilas Pilipinas sa 2017 SEABA Championship matapos talunin ang Indonesia sa iskor na 97-64.

Nalasap ng Indonesia ang kaisa-isang talo samantalang nanatiling undefeated hanggang sa huli ang Gilas.

Dahil sa tagumpay, ang Gilas ang papasok para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Lebanon sa buwan ng Agosto.

Nanguna sa laban nila sa Indonesia si Andrey Blatche na nakapagtala ng 21 points at 10 rebounds samantalang may 14 points, pitong rebounds at limang assists si Jayson Castro.

Gilas Pilipinas nahirapan sa panalo kontra-Thailand

Wagi ang Gilas Pilipinas sa laban kontra Thailand, 108-53, sa nagpapatuloy na 2017 SEABA Men’s Championship.

Nagpasabog si Japeth Aguilar ng tournament-high 23 points at limang rebounds samantalang 15 puntos naman ang pinakawalan ni Calvin Abueva at tig-11 points naman ang idinagdag nina Terrence Romeo at Andray Blatche.

Aminado naman si Gilas Coach Chot Reyes na nasubok ang koponan sa laban partikular sa unang quarter ng laro.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Gilas.